Tuesday, August 28, 2007

Preface to The Screwtape Letters

The preface is pretty short, so here it is.

About this project.

Notes: I used 'demonyo' to translate devil if there is no definite article for it. Therefore, devils was translated as mga demonyo. If the word has the definite article, that is, if it pertains to Satan, I translated it Diyablo, although it is quite possible that Lewis meant it to be translated demonyo as well, since he did not capitalize devil in the original even if he placed the definite article before it: the devil is a liar, I translated as ang Diyablo ay sinungaling.

The word 'materialist' in the original I translated as skeptiko and not materyoso since the word materialist was contrasted with the word magician, the idea being the contrast between one who believes in materialism as a philosophical worldview--not to one who is enamored with material wealth--with one who believes in magic, or one who is more spiritual. I don't know the Pilipino word for 'script' and the word is adopted as-is, instead of Filipinizing it by using iskrip. I dont know of an equivalent expression to 'wishful thinking' either and therefore used a rather long-winded approach at the end of the third paragraph.

I'll try to come up with a translation of the first letter by the end of the week, inshallah.

Paunang Salita
Una sa lahat, wala akong balak na ipaliwanag kung paano napasakamay sa akin ang mga liham na siyang tangan ko ngayon.
May dalawang magkapantay, bagkus magkasalungat na pagkakamali na kung saan ang sangkatauhan ay maaring matisod pagdating sa mga demonyo. Ang una ay ang hindi paniniwala na mayroon ngang mga ganoong nilalang. Ang isa nama'y ang paniwalaan ito nguni't magkaroon ng labis na interes sa mga ito--interes na nakasisira na sa kanyang sariling kapakanan. Sila mismo'y natutuwa sa mga pagkakamaling ito at ang pagbubunyi nila sa ang isang skeptiko ay kapantay ng kanilang pagbubunyi sa isang naniniwala sa salamangka--pantay lamang nilang tinitignan ang mga ito. Ang script na ginamit ko sa aklat na ito ay maaring makuha ng sinumang makasanayang ito'y matutunan, subali't ang nga walang interes dito at yaong mga madaling magpadala sa damdamin na may hindi tamang balak dito, sabihin na lamang natin na hindi n'yo sa akin ito natutunan.
Pinapayuhan ko ang mga mambabasa na huwag kalilimutan na ang Diyablo ay sinungaling. Hindi lahat ng sinabi ni Screwtape ay dapat nating ituring na katotohanan, kahit mismo sa sarili na niyang pananaw. Hindi ko tinangkang tukuyin ang sino mang mga tao na binanggit sa mga liham, subali't sa aking palagay, malayong ang pagsasalarawan sa mga ito, halimbawa kay Padre Spike o sa ina ng pasyente, ay tugma sa kanila sa kabuuan. Marunong din naman silang manlinlang ng sarili sa Impiyerno tulad ng ginagawa ng mga tao sa Lupa kung saan minsan ang mga hinahangad nila ay hindi naman tumutugma sa realidad subali't pinagpipilitan pa rin nila ito sa kanilang mga sarili.
Bilang pangwakas, hindi ko na binigyan ng panahon ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga liham. Ang liham blg. XVII ay tila binuo bago pa man ipinasya ng pamahalaan ang pagrarasyon, nguni't sa kabuuan, ang paraan ng pagbatid ng oras at petsa ng mga demonyo ay tila walang kinalaman sa oras at petsa dito sa Lupa kung kaya't hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon na malaman kung anong katumbas na oras at petsa dito sa Lupa ang tinutukoy sa mga liham. Sa mga pangyayari sa digmaan sa Europa, liban sa mga pagkakataon na may katuturan ito sa ispirituwal na kalagayan ng isang nilalang, si Screwtape ay walang pakialam.

C.S. Lewis
Magdalen College
Ika-5 ng Hulyo, 1941

8 comments:

sparks said...

hey, brilliant idea. ano kaya'ng pwede kong isalin sa wikang filipino? hmmm.....

Jego said...

You want to tackle Orwell, sparks? :-)

Imagine if bloggers work on a translation of famous works in a language more accessible to Filipinos? We seem to have this impression that English is widely used here, but I wonder how accurate that impression is.

Prof. Earnest Thornberry said...

Mabuhay! I live in Texas and visited the P.I. for the first time this spring. I write a blog in the same style as The Screwtape Letters. I'm enjoying your translation :)

Jego said...

Excellent site you have there, Prof. Thornberry.

I hope you enjoyed your stay here.

grifter said...

Padre Spike! this sounds like a Fil-Jap anime!

Jego said...

What do you prefer? Padre Panusok?

sparks said...

Orwell....wahaha. Sige. Habang bakasyon pa!

cvj said...

Kudos Jeg! May this just be the beginning.