Friday, August 31, 2007

Ang Mga Liham ni Screwtape ni C.S. Lewis, Liham Blg. I

A big 'thank you' to Sparks for taking on the translation of George Orwell's Animal Farm. And linking to my little contribution. I hope more of us can find the time to take on this task.

About this project.
Preface to The Screwtape Letters (Paunang Salita).

Notes
: I translated 'argument' as pangangatwiran, instead of pakikipagtalo wherever it appears in this letter. I think that's closer to what Lewis meant. 'It sounds as if you supposed that argument was the way to keep him out of the Enemy's clutches' I translated as Parang sa tingin mo kasi ang pangangatwiran ang siyang paraan upang hindi siya mapasakamay sa Kalaban.

'Philosophies' I translated as pilosopiya't paniniwala, instead of just straight pilosopiya. I think the way it's used in the original is all-encompassing. 'Doctrine' I translated as paniniwala, since the original doesnt have the religious connotation that the Pilipino doktrina has. I translated 'philosophy of the future' as ito'y isang paniniwalang umuusbong at lalaki sa kalaunan.

'Jargon' is translated nauusong salita. I take Lewis to mean the word in the same way we use 'buzzword' today.

I dont know of a Pilipino equivalent for 'train of thought'. The phrase occurred twice in this letter. I used a rather long-winded translation. For example, for 'Even if a particular train of thought can be twisted so as to end in our favour...' as Kahit na sabihin na nating nailigaw mo ang pinatutunguhan ng kanyang pangangatwiran upang pumabor sa atin... .

For the phrase 'immediate sense experience' I know of no equivalent expression in Pilipino either. I translated 'withdrawing his attention from the stream of immediate sense experiences' as mailayo mo ang kanyang pansin sa mga bagay na nakikita ng kanyang mga mata, naririnig ng kanyang mga tainga, naamoy, nadarama--mga bagay na nasa kanyang kapaligiran.

I took 'familiar' to mean mundane or ordinary or commonplace, so I translated it pangkaraniwan instead of pamilyar or kilala.

I
Mahal kong Wormwood,

Batid ko ang sinasabi mo patungkol sa pag-gabay mo sa iyong pasyente sa kanyang mga binabasa at sa paghihikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pakikipagkita sa kanyang kaibigang naniniwala sa pilosopiya ng Materyalismo. Pero, hindi ka ba nauuto lang ng bahagya? Parang sa tingin mo kasi ang pangangatwiran ang siyang paraan upang hindi siya mapasakamay sa Kalaban. Maaring umubra ito kung ang iyong pasyente ay nabuhay mga ilang siglo na ang nakakaraan. Noon malinaw sa isipan ng mga tao kung kailan ang isang bagay ay napatunayan na at kung kailan hindi pa ito napapatunayan; at kung napatunayan na, pinaniniwalaan na nila ito. Para sa kanila, and pag-iisip ay karugtong ng paggawa at mas handa silang baguhin ang kanilang pamumuhay kung mapapatunayan ito sa pamamagitan ng katwiran. Subali't ngayon, sa tulong ng mga pahayagan, magasin, mga babasahing peryodiko, at iba pa nating sandata, mas nabago natin ang gawi nilang ito. Nasanay ang iyong pasyente, simula pa noong siya'y bata pa, na mayroong sandosenang pilosopiya't paniniwala na nagsasayaw sa loob ng kanyang kukote. Hindi niya iniisip na ang mga paniniwalang ito ay "totoo" o "hindi totoo," iniisip niya na ito'y "pang-teoriya" o "praktikal", "laos" o "uso", "naaayon sa palagay ng nakararami" o "walang pakialam sa palagay ng nakararami". Ang paggamit ng mga nauusong salita, at hindi ang pangangatwiran, ang pinakamatibay mong kasangga upang mapalayo siya sa Iglesia. Huwag mong aksayahin ang iyong panahon sa pagkumbinsi sa kanya na ang Materyalismo ay totoo! Hikayatin mo siya na isiping ito'y matibay, o kaya'y payak, o kaya'y magiting -- na ito'y isang paniniwalang umuusbong at lalaki sa kalaunan. Itong mga bagay na ito lamang ang mahalaga sa kanya.

Ang problema sa pangangatwiran ay inilalagay nito ang buong larangan ng pakikibaka sa teritoryo ng Kalaban. Kaya rin Niyang mangatwiran, kahit na sa larangan ng praktikal na propaganda na aking iminumumhgkahi, ipinakita Niya sa mga nakalipas na siglo na higit na mas mababa ang kakayahan Niya kaysa sa ating Ama sa Kailaliman. Sa pakikipagkatuwiran, pinupukaw mo ang iyong pasyente sa paggamit ng kanyang pangangatwiran; at kapag ito'y ganap nang nagising, sino'ng makakapagsabi kung ano ang kahihinatnan nito? Kahit na sabihin na nating nailigaw mo ang pinatutunguhan ng kanyang pangangatwiran upang pumabor sa atin, maaring maging gawi ng iyong pasyente na talakayin ang mga usaping nakaaapekto sa buong sangkatauhan at mailayo mo ang kanyang pansin sa mga bagay na nakikita ng kanyang mga mata, naririnig ng kanyang mga tainga, naamoy, nadarama--mga bagay na nasa kanyang kapaligiran. Ang iyong dapat atupagin ay ang itakda ang kanyang pansin sa mga bagay na ito lamang. Turuan mo siyang tawagin itong "tunay na buhay" at huwag mo siyang hayaang usyosohin kung ano ang ibig niyang sabihin sa salitang "tunay".

Alalahanin mo na siya'y hindi purong espirito tulad mo. Dahil hindi ka kailanman naging tao (Ang kasumpa-sumpang kalamangan sa atin ng Kalaban!) hindi mo maaring mabatid na sila'y alipin sa mga iginigiit sa kanila ng mga pangkaraniwan at pang araw-araw na mga pansinin. Minsan mayroon akong pasyente, isang maaasahang ateista, na dating madalas tumungo sa British Museum upang magbasa. Isang araw, habang siya'y nagbabasa may naulinigan akong isang diwa sa kanyang isipan na tila gusto sana niyang sundan subali't napansin ko na bumabaliko ito tungo sa mga bagay na hindi niya dapat isipin. Natural nandoon kaagad ang Kalaban sa kanyang tabi. Bago ko pa man nalaman kung anong nangyayari, nakita ko na lamang na ang pinagpaguran ko ng dalawampung taon ay namimiligro. Kung nagkataon na hindi ko kaagad naagapan ang mga pangyayari, marahil ay sinubukan kong itama siya sa pamamagitan ng pangangatwiran at tuluyan na siyang nawala sa akin. Subali't hindi ako tanga. Kaagad kong ibinaling ang kanyang pansin sa bahagi ng kanyang pagkatao na pinakamadali kong madomina at ipinasok ko sa kanyang isipan na panahon na upang mananghalian. Agad namang kinontra naman ito ng Kalaban (ito nama'y haka-haka ko lamang--alam naman nating hindi natin maliwanag na naririnig kung anong sinasabi Niya sa kanila) at sinabing mas mahalaga pa ito kaysa sa pananghalian. Pakiwari ko'y yun nga ang Kanyang sinabi pagka't nangg aking sabihing, "Tama. Lubhang mas mahalaga ito para talakayin ngayong tanghaling tapat na," agad na tumalima ang pasyente, at bago ko pa man naibulong sa kanya na "Mas maigi pang bumalik mamaya pagkapananghalian upang matalakay ito ng may sariwang pag-iisip," ay papalabas na siya upang umuwi. Pagdating niya sa kalsada, tapos na ang laban. Pinakita ko sa kanya ang nagtitinda ng pahayagan, ang Blg. 73 bus na dumaraan, at bago pa man siya tumapak sa huling baytang ng hagdan, naipasok ko na sa utak niya ang di matinag na paniniwala na kahit ano pa mang bago o kataka-takang ideya, palagay, o opinyon ang pumasok sa kukote niya kapag siya'y nag-iisa kasama ang kanyang mga aklat, kailangan lang ipakita sa kanya ang "tunay na buhay" (para sa kanya, ito'y ang bus at ang nagtitinda ng pahayagan) at sapat na ito upang ipakita na kung ano mang kuro-kuro ang pumasok sa utak niya, yaon ay malayo sa katotohanan. Batid niya kung paanong muntikan na siyang mapariwara at matapos ang ilang taon ay nakahiligan na niyang isalaysay ang tungkol sa "hindi masambit na realidad na siyang pinakapananggalang laban sa mga depekto na tanging dulot ng pag-iisip kahit lohikal man ito". Ngayon siya'y ligtas sa tahanan ng Ating Ama.

Ngayon, nakuha mo na ang aking tinutumbok? Salamat sa mga prosesong sinimulan natin sa sangkatauhan ilang siglo na ang nakararaan, tila imposible na sa kanilang paniwalaan ang di-pangkaraniwan habang ang pangkaraniwan ay nasa harap na ng kanilang mga mata. Ipilit mo sa iyong pasyente ang pagkapangkaraniwan ng lahat ng bagay. Higit sa lahat, huwag mong tangkaing gamitin ang agham o siyensiya (tinutukoy ko dito ang mga tunay na siyensiya) bilang argumento mo laban sa Kristiyanismo. Ang gagawin lamang nito ay ang itulak siya upang isipin ang mga tungkol sa mga bagay na hindi nakikita't hindi nahahawakan. Maraming malungkot na kasong ganito sa mga pisiko natin ngayon. Kung talagang hilig niya ang siyensiya, ituro mo siya sa Economics o Sociology; huwag mo siyang ihihiwalay sa napakahalagang "tunay na buhay". Nguni't ang pinakamagaling na paraan sa lahat ay huwag mo siyang hahayaang magbasa tungkol sa siyensiya nguni't kumbinsihin mo siya na sa kabuuan alam na niya ang lahat ng dapat niyang malaman at lahat ng kanyang mapulot sa pakikipaghuntahan at pagbabasa ay "bunga ng makabagong pagsasaliksik". Alalahanin mo na nandiyan ka upang guluhin ang kanyang pag-iisip. Kung mag-usap kasi kayong mga kabataan, aakalain ninuman na ang tungkulin natin ay ang magturo!

Lubos na nagmamahal,
Ang iyong Tito Screwtape


(Letter II next week.)

3 comments:

grifter said...

haha. i think from now on, i will call you Uncle Screwtape, or in Filipino, Tito Screwtape. Tito Screwtape, penge naman pera o.

Jego said...
This comment has been removed by the author.
Jego said...

We're still waiting for you to translate stuff in your massive Mills and Boone library. :-D